by PIO Lucena/Josa Cruzat January 19, 2022 LUCENA CITY - Balik sigla ng muli ang bentahan ng mga pangunahing bilihan sa loob ng Pamilihing P...
January 19, 2022
LUCENA CITY - Balik sigla ng muli ang bentahan ng mga pangunahing bilihan sa loob ng Pamilihing Panlungsod.
Ito ang binigyang pahayag ni Mall Market Administrator Noel Palomar sa naging panayam dito ng TV12 Balita.
Ayon kay Palomar, naging dahilan nito ay ang pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin kagaya ng manok at isda mula sa presyuhan nito nitong nakaraang holiday season.
Giit ng Mall Market Administrator, kahit may mangilan-ngilang produktong tumaas ng bahagya ang presyo, mas marami parin aniya ang mga nagsibabaan ang halaga.
Base sa kasalukuyang record ng kaniyang tanggapan, karamihan sa mga pangunahing bilihin ay bumaba ng humigit kumulang sa limang piso kada kilo.
Hindi naman maiiwasan aniya sa panahon ngayon ang pabago-bagong presyo ng mga nabanggit na bilihan kasama na ang karneng baboy dahilan pa rin ng suplay nito.
Ngunit aniya marami pa namang alternatibong pagkain para sa mga Lucenahing mamimili na swak sa kanilang budget katulad ng gulay.
Samantala, malaking bagay naman ayon kay Palomar ang balik sigla ng bentahan sa Pamilihang Panlungsod dahil aniya makadadagdag ito ng kita sa palengke lalo’t higit sa mga maninindahan.
No comments