Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

'Bitay sa mga tiwali sa gobyerno!' - Belgica

by Dong de los Reyes, Nimfa Estrellado and Jake Vinz January 19, 2022 Greco Belgica (Photo by Jake Vinz) SARIAYA, Quezon - Masasabak tiyak s...

by Dong de los Reyes, Nimfa Estrellado and Jake Vinz
January 19, 2022


'Bitay sa mga tiwali sa gobyerno!' - Belgica
Greco Belgica (Photo by Jake Vinz)




SARIAYA, Quezon - Masasabak tiyak sa umaatikabong bakbakan at balitaktakan si Greco Belgica, naglingkod bilang hepe ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), sakaling mailuklok siya sa Senado sa halalan 2022 at muli niyang ilaban ang kanyang mga adhikain, kabilang na ang bitay o death penalty sa mga tiwali sa gobyerno.

Tiyak na maraming sasalungat sa kanyang mga isusulong na panukalang batas, tulad ng masinsinang imbentaryo ng lupa at likas-yaman ng bansa para ipagkaloob sa mga nangangailangan, paglalapat ng 10% flat tax rate upang makaltas na ang iba pang buwis, pati na amilyar o real estate tax. Pati na ang patong na 12% value added tax (VAT) na pataw sa mga bilihin at serbisyo. Resulta-- higit na abot-kaya ang mga bilihin.



Kung si Belgica ang masusunod, 10% na lang ang magiging pataw na buwis sa kita ng bawat Pilipino-- para lalong ganahan sa kani-kanilang trabaho, kumita nang mas malaki, at mailaan ang kita sa mga gugulin at pangangailangan upang na ang tiyak resulta higit na maging masigla ang pambansang ekonomiya.

Inilapag ni Belgica ang kanyang mga hangaring ipaglaban sa Senado sa kanyang pagsadya kamakailan sa Sariaya, Quezon upang makipagpulong sa mga mamamayan ng lalawigan. Naging mainit ang pagtanggap sa kanya, lalo na sa kanyang mga inilahad na legislative agenda na tahasang kakaiba at aani ng suporta sa balana.



Noon pa umugong ang pangalan ni Greco Belgica bilang "pork buster" nang maghain siya ng mga petisyon sa Korte Suprema upang salungatin at maibasura ang iba't ibang anyo ng pork barrel.

Sanhi ng kanyang walang humpay na pagkalaban sa pork barrel, nagpasya ang Korte Suprema nitong Setyembre 2013 na nagsasaad na labag sa Saligang Batas ang pork barrel o priority development assistance fund (PDAF).



Ipinagbawal na din ng Korte Suprema ang paglalaan ng pork barrel ng Pangulo, ang President's Social Fund (PSF) pati ang Malampaya Fund sa mga tinatawag na 'priority infrastructure development projects'.

Sa halip na kung anu-anong mahika't milagro sa pork barrel projects, isinulong ni Belgica ang libreng edukasyon-- ilaan ang pork barrel funds sa Tuition Fee Voucher Fund na magagamit ng mga kuwalipikadong estudyante na pambayad ng matrikula.

Naniniwala siya na sa ganitong patakaran, aangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa, magbubunsod sa mga paaralan na itaas din ang kalidad ng kanilang mga pasilidad, magiging parang paligsahan sa husay ng mga paaralan.

Kontra katiwalian

Higit 800 taga-Quezon ang dumalo sa pagtitipon na mailunsad ang bagong partido, Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) na binuo nitong 2018. Sa lilim ng PDDS tumatakbo si Belgica sa pagkasenador sa layuning sugpuin ang katiwalian sa pamahalaan-- na matagal na niyang pinangatawanan bilang tagapangulo ng PACC sapul 2018 hanggang 2021. Marami siyang sinagasaan, mula sa mga taong hinirang mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba't ibang sangay ng gobyerno, pati na mga nakaluklok sa poder na pulitiko.

Higit sa 300 pinuno sa iba't ibang sangay ng gobyerno ang kinasuhan sa Ombudsman ng PACC sa pamumuno ni Belgica; umaabot sa 24 pinuno ng gobyerno ang nahatulan, naikalaboso.

Pero niresbakan ng mga nakabangga niya si Belgica, sinampahan din siya ng kaso kaya napilitan na siyang umalis sa puwesto-- pero tuloy lang ang laban na kanyang sinimulan.

Nanlulumong binanggit ni Duterte ang mabusising paraan upang labanan ang mga tiwaling nasa poder: "Inimbestigahan na namin sa PACC, tapos isasampa pa namin sa Ombudsman para imbestigahan nila ulit. Tapos isasampa pa nila sa Sandiganbayan para maimbestigahan na naman bago maparusahan.

"Kailangang maikli ang proseso para mapabilis, kung hindi tatagal lang ang kaso. Madalas na patay na ang kinasuhan pero buhay pa rin ang kaso," hinanakit niya.

(Umaabot sa 15-20 taon bago mahatulan ng Sandiganbayan ang karamihan sa mga nakasampang kaso-- katumbas halos ng reclusion perpetua ang paglilimi.)

Tinukoy ni Belgica na may 20% ng national budget ang nalalaspag dahil sa katiwalian.

Sapul 2013 nang isa pa siyang konsehal ng Maynila, nangahas nang tumakbo sa pagka-senador si Belgica. Nabigo siya. Ganoon din ang nangyari nang tumakbo siyang muli nitong 2016.

Pero tuloy pa rin ang kanyang laban, lalaban at lalaban pa rin siya para "maglingkod sa Diyos at sa bayan."

Adhikain para sa taumbayan

Sakaling mahalal, isusulong niya na makapagtindig ng maraming negosyo at proyektong pangkabuhayan sa pamamagitan ng paglalaan ng gobyerno ng pondo dito-- venture capital fund.

Umiiral na ito noon pa sa US-- doon siya nagkolehiyo, nagtapos-- at inaasam-asam ito ng mga ambisyosong tapos ng kolehiyo para pasimulan ang kanilang pangarap na proyekto. Nais niyang pairalin ang ganito sa Pilipinas.

Katwiran niya, walang batas na nagtutulak sa banking system ng bansa na maglaan ng puhunan para sa mga bagong negosyante. Anupa't ang mayaman ang lalong yumayaman dahil pauutangin sila ng mga bangko ng puhunan,

Nais ni Belgica na maglaan ang gobyerno ng P100B para maisulong ang mga negosyo at proyekto sa negosyo ng kahit mga bagito. Tiyak na may hahapay, tiyak na may titindig, susulong at uunlad kapag may aasahang ayuda mula sa gobyerno.

Binanggit ni Belgica na wala pa mang gobyerno, nariyan na ang latag ng mga lupain-- at nariyan na ang taumbayan noon pa man. Kaya ilalaban niya na ibigay ang mga lupang gobyerno sa taumbayan.

Dumadagundong na tila kulog ang palakpakan ng mga taga-Quezon sa inilahad ni Belgica ang mga sumusunod:


NAIA Jewelry Smuggling Bust:
https://www.manilatimes.net/.../govt-officials.../399436/amp
Winning the PDAF - Dap Case, Belgica Ruling:
https://news.abs-cbn.com/.../sc-ruling-pdaf-victory-says...
Greco Belgica files complaint for 272 counts of malversation against Aquino, Trillanes, Drilon, et al:
https://cnnphilippines.com/.../dap-aquino-trillanes-roxas...
Sinampahan ng kaso ni Greco Belgica ang mga Aquino dahil sa DAP Scam:
https://www.pna.gov.ph/articles/1023766
PACC, nalutas na ang higit 13,000 kaso ng katiwalian at iba pang reklamo.
https://www.facebook.com/100044233969039/posts/351638702987259/?d=n
130 na kaso ang inindorso sa Ombudsman:
https://www.facebook.com/100044233969039/posts/408125100671952/?d=n
Mahigit 20 na opisyal ng AFP, including General, pinatanggal ni PRRD dahil sa report ng PACC:
https://www.pna.gov.ph/articles/1044635
52 na kaso inindorso ng PACC sa DOJ:
https://www.facebook.com/100044233969039/posts/404161511068311/?d=n
49 Ahensya ng gobyerno nanumpa sa NACC na itinatag ni PACC Chairman Greco Belgica:
https://www.manilatimes.net/.../pacc-creates.../1813473/amp
BIR officers na huli ni PACC Sec. Greco Belgica binigyang hatol na guilty ng ombudsman:
https://www.facebook.com/100044233969039/posts/346391806845282/?d=n
Bistado ang Philhealth na inimbestigahan ni Greco Belgica (senate hearing(sad)
https://fb.watch/8AU50gmhGx/
Red Cross Investigation by Chairman Greco Belgica:
https://www.facebook.com/100044233969039/posts/394094558741673/?d=n
43 Philhealth Officials na naimbestigahan ni Sec. Greco Belgica, sinibak at pinag resign:
https://www.facebook.com/1783751971844207/posts/2772327866319941/?d=n
PACC recommends charges vs 12 NHA officials over Yolanda housing:
https://www.bworldonline.com/pacc-recommends-charges-vs.../
PACC to file cases vs. gov’t execs over corruption issues:
https://www.pna.gov.ph/articles/1138238
BIR officials huli at kulong sa entrapment ng PACC:
https://www.facebook.com/555120950/posts/10157441693310951/?d=n
Extortion ng DPWH DE sa Cordillera, inexpose ni Greco Belgica:
https://www.facebook.com/555120950/posts/10157345351315951/?d=n
DOJ at DPWH Assistant Secretaries pinag resign ni Pangulong Duterte dahil sa mga nakuhang corruption report ni PACC Chief Greco Belgica:
https://www.facebook.com/555120950/posts/10158000829565951/?d=n
Assistant Regional Director ng DOTR sa Cordillera Administrative Region, kinasuhan at pinatanggal ni PACC Chief Greco Belgica dahil sa corruption:
https://www.facebook.com/100044233969039/posts/361513015333161/?d=n

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.