by PIO Lucena/Josa Cruzat January 19, 2022 Comelec Checkpoint LUCENA CITY - Sinimulan na ng kwerpo ng kapulisan ng lungsod sa ilalim ng pang...
January 19, 2022
Comelec Checkpoint |
LUCENA CITY - Sinimulan na ng kwerpo ng kapulisan ng lungsod sa ilalim ng pangangasiwa ni Acting Chief of Police PLt. Col. Reynaldo Reyes ang operasyon ng Comelec Checkpoint.
Sa atas ni Reyes at sa tulong ng pinagsama-samang pwersa ng bawat isang personnel ng Lucena City Police Station ay ilang mga checkpoint operation ang inilatag ng mga ito sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod: Sa Silangang Mayao, sa bahagi ng Iyam, at bahagi ng Barangay Dalahican.
Sa eksklusibong panayam ng TV12 Balita sa Acting Chief of Police, ay binigyang pahayag nito ang mga nasasakupan ng naturang operasyon.
Aniya ay kabilang dito ang implementasyon ng Gun Ban kasama na ang mga deadly weapons.
Kaugnay naman sa mga lugar na nilatagan ng Comelec Checkpoint, pahayag ni Reyes na ang mga ito ang nakikitaan ng Lucena PNP na strategic na lugar upang ma-cover lahat ng papasok at papalabas ng lungsod.
Dagdag naman ng kasalukuyang acting city chief of police, na kanilang isinasabay na rin sa naturang checkpoint ang pagsasagawa ng Quarantine Control Points bilang pagsunod na rin sa atas ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos.
Samantala, binigyang diin naman ni Reyes na sa kasalukuyan ay wala pang nasisita ang kapulisan na lumalabag sa ilalim ng Comelec Checkpoint.
Ang nasabing operasyon na ito ay bilang pagtalima ng kapulisan ng lungsod sa Comelec Resolution na siyang hudyat na rin ng pagpapatupad ng gun bun bilang paghahanda sa nalalapit na National at Local Election 2022.
No comments