by Dong de los Reyes February 24, 2022 Bokal Romano Franco C. Talaga LUCENA CITY - Hinubog ng panahon at pinanday ng karanasan ang ilan sa m...
February 24, 2022
Bokal Romano Franco C. Talaga |
LUCENA CITY - Hinubog ng panahon at pinanday ng karanasan ang ilan sa mga salitang makapaglalarawan sa kasalukuyang Bokal ng ikalawang distrito ng Quezon at tumatakbong Punong Lungsod o Mayor ng Lungsod ng Lucena na si Romano Franco C. Talaga.
Nagsimula ang kanyang karera sa pulitika ng maging SK Chairman ng kanyang barangay at kalaunan ay nahirang bilang SK Federation President ng Lungsod ng Lucena. Sa unang sabak sa paglilingkod bayan, agad niyang ipinakita ang galing sa paggawa ng mga resolusyon at ordinansa na higit na makakatulong sa kanyang mga kababayan.
Matapos ang termino bilang SK Federation President, tumakbo at nanalo bilang Senior Councilor ng nasabing lungsod. Mas pinagbuti pa ang trabaho at mas maraming ordinansa at resolusyon ang naipasa sa kanyang termino bilang konsehal.
Ilan sa mga ordinansa at resolusyon na tumatak sa bawat Lucenahin ay ang pagpapasemento at pagsasa-ayos ng ilang mga kalsada sa lungsod at mga farm to market roads – kabilang na rito ang Salinas Road. Siya rin ang pangunahing may-akda ng resolusyon para malagyan ng tulay ang Pleasantville Subd at ang tulay sa Marketview. Bukod rito, ang Comprehensive Land Use Plan o CLUP na iniakda niya noong 2002 ang naging batayan ng mga programa at proyekto sa sumunod na sampung taon.
Ang ordinansa para itatag ang City College of Lucena ang isa sa pinaka-mahalagang ordinansa na naiakda ni Romano Talaga katuwang sina dating Konsehal Dan Zaballero at namayapang Konsehal Willie Asilo. Maraming mga mag-aaral ang nabigyan ng pagkakataon na makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng magandang bukas.
Sa mga karanasan na ito nakasisiguro ang bawat Lucenahin na mas tiyak at maganda ang kanilang hinaharap na bukas. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagpaplano ay ang pagtiyak na may maayos na magtitimon sa isang progresibong lungsod.
Dapat siguruhin ng bawat Lucenahin ang Kaalaman, Karanasan at Kakayahan ng pipiliing susunod na pinuno na siya naman sinasalamin at tinataglay ng isang Romano Talaga.
Fiscalizer TALAGA ng bayan si Bokal Romano Talaga; humawak ng Committee on Appropriations, Budget and Finance, Committee on Laws at Committee on Ethics and Good Governance
Siya ay may KARANASAN, KAKAYAHAN at siguradong tiyak na may KAALAMAN pagdating sa larangan ng paglilingkod sa gobyerno.
May Karanasan na sa paglilingkod sa Lungsod ng Lucena. Naging Konsehal ng Lungsod sa loob ng 8 Taon. Solido ang karanasan sa paglilingkod sa Lalawigan ng Quezon bilang Bokal.
Napatunayan na ang Kakayahan sa Serbisyo Publiko. Taong 1996 ng unang nagsimula sa paglilingkod hanggang sa kasalukuyan. May compassion at advocacy na maglingkod at may malinaw at komprehensibong plataporma. May sariling paninindigan dahil nasubukan na ang kanyang serbisyo.
Tiyak na may Kaalaman pagdating sa larangan ng paglilingkod sa gobyerno. Kasalukuyang Bokal ng Ikawalang Distrito ng Quezon, at tiyak na may kaalaman sa tunay na kalagayan ng mga kababayan.
Bilang senior board member nitong 2007-2013, kabilang sa mga isinulong na adhikain ni Talaga-- tumatakbo sa pagka-alkalde ng Lucena sa taong ito-- ang "maayos, tama at kapaki-pakinabang na paggamit ng Kaban ng Bayan."
Sa gawa, hindi sa ngawa napatunayan ni Talaga ang kanyang ipinaglalaban para sa kapakanan ng taumbayan. Tahasang hinarap ang isyu at kontrobersya na may kinalaman sa pondo ng lalawigan at patas na pagtingin sa kapakanan ng taumbayan. Nanindigan.
Marahil, marami pang kuwento na magpapatunay sa tibay ng kanyang paninindigan sa mga adhikaing kanyang ipinaglalabam, ibinabandila, iwinawagayway na watawat ng pagiging matinong pinuno.
Payak ang kanyang pakay sa paghubog at paghabi ng mga paiiraling patakaran sa panahon ng kanyang pagiging bokal.
Pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan.
Maayos, tama at kapaki-pakinabang na paggamit ng Kaban ng Bayan.
Paglinang sa kaugalian at wastong asal.
Pagpapayabong ng katahimikan at wastong kaayusan ng lalawigan para mabawasan ang karahasan at kriminalidad.
Nakatutok ang bokal na naging tungkulin ni Talaga sa pagbalangkas ng mga patakaran na paiiralin sa lalawigan-- karamihan sa mga ito ay paglalaan ng pondo sa mga proyektong pambayan.
At bahagi ng kanyang gawain ang pagsangguni sa taumbayan kung anu-ano ang mga proyektong kailangan para sa kanilang kapakanan. Natutugunan naman kung kaya ng pondo ng lalawigan.
Pero kulang at kulang pa rin ang nakalaang pondo. Kaya kailangang maghagilap ng mapagkukunan.
Hindi mabilang ang mga kapasyahan at kagaya nito na binuo niya (pasimuno madalas si Talaga) para untagin ang mga halal na senador ng bansa para ibahagi ang kahit katiting ng kanilang countrywide development funds para matustusan ang mga proyekto para sa Quezon.
Lingid na sa kaalaman ng taumbayan ang ganitong aksiyon, ang ganitong gawain. 'Yung paninikluhod para sa kababayan, para sa taumbayan. 'Yung luluhod ka na sa mga may higit na poder at pondo dahil kailangan ng mga kababayan mo.
Marami pang maidaragdag sa outstanding track record ni Romano Franco Talaga bilang isang lingkod bayan, at ang mga ito naman ang alam at ramdam ng mga Lucenahin. Kaya naman, malaki ang kanilang pagtitiwala, paniniwala at suporta dito na anila’y siyang susunod na punong lungsod ng Lucena.
No comments