by Dong de los Reyes February 24, 2022 Dr. Edwin Pureza LUCENA CITY - Taal na anak ng Lucena si Dr. Edwin Pureza, cardiologist o espesyalist...
February 24, 2022
Dr. Edwin Pureza |
LUCENA CITY - Taal na anak ng Lucena si Dr. Edwin Pureza, cardiologist o espesyalista sa puso-- kaya kilala ng lahat ng Lucenahin bilang Dr. Love, na nagnanais maglingkod sa kanyang tinubuang lungsod bilang konsehal.
Hagok at gapang sa hirap para makatapos ng medisina si Dr. Love-- karaniwang kawani lang ang kanyang ina (pumanaw ang ama nang Grade 4 pa lang siya), umangat na naging ingat-yaman, at kalaunan ay nahirang na cashier ng Lucena City hall, anupa't sa murang edad, naipamulat na sa kanya ang paglilingkod sa tinubuang lungsod.
Hindi naman karakang naging doktor si Pureza, gumapang din siya at tinustusan ang pag-aaral ng medisina sapul makatapos bilang medical technologist, tinanghal pang cum laude sa Far Eastern University. Sa yugtong ito pumanaw naman ang kanyang ina.
Hindi natatapos ang pangarap, unang hakbang lang ang pagiging medical technologist para makapagtrabaho, kumita-- at tustusan ang mga susunod pang hakbang. Tuloy ang pagsusunog ng kilay. Nagpakadalubhasa sa internal medicine sa St. Luke's Medical Center, tuloy sa cardiology hanggang sa maging vascular specialist.
Balik-tanaw upang mairaos ang pag-aaral ng medisina: nangupahan sa lunan ng mga maralitang taga-lungsod sa Tondo, Maynila para makatipid sa renta.. lugaw o tsamporado ang altahanghap o almusal-tanghalian-hapunan para makasubi ng pantustos sa matrikula at pangangailangan sa pag-aaral.
Anupa't nagpakadalubhasa rin siya sa sakripisyo upang makamit ang pangarap-- may isang pagkakataon na para makabili ng uniporme, lumahok sa timpalak bigkasan, pinalad na nagwagi... at nagkamit ng libreng uniporme sa paaralan.
Ad aspera por astra-- hilahod man ang gapang, mararating ang bituin!
Sa halip na sa Maynila mag-medical practice para mas malaki ang kita, lumusong nang tuluyan sa Lucena si Dr. Pureza, bumalangkas, nagpatupad ng mga programang pangkalusugan-- at kinilala ng Philippine Medical Association ang kanyang programa, nagkamit ng medalya ng karangalan nitong 2018.
Balak niyang ilunsad sa Lucena ang tinatawag na 3K-- mga patakaran at programang tutugon sa mga usaping pangkalusugan, pangkarunungan, at pangkabuhayan.
"Bakit ako ang iboboto dahil ngayon ay panahon ng pandemya siguro nararapat na magkarontayo ng doctor na masasandalan natin at maggagabay magsasaayos ng mga programang pangkalusugan dito sa ating lungsod.
"At alam ko rin na malaki ang maitutulong ni Dr. love dahil tayo ay single ngayon, syempre kahit papaano gusto kong makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay din ng mgalibreng mga scholarship program sa ating mga kabataan at kita ko rin na talagang salat din ang mgapangkabuhayan sa pamamagitan siguro ng inyonglingkod ay maiaayos natin ang mga programa na nararapatsa ating mga kababayan," aniya.
No comments