Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Villapando, inaasinta ang pagiging puno ng sangguniang panlungsod ng Lucena

by Dong de los Reyes February 24, 2022 Konsehal Nilo Villapando LUCENA CITY - LLisensiyadong civil engineer at abogado si Konsehal Nilo Vill...

by Dong de los Reyes
February 24, 2022


Villapando, inaasinta ang pagiging puno ng sangguniang panlungsod ng Lucena
Konsehal Nilo Villapando





LUCENA CITY - LLisensiyadong civil engineer at abogado si Konsehal Nilo Villapando na hangad na mahalal bilang bise-alkalde ng Lucena; sapul pagkabata'y subsob na sa trabaho, naglalako ng bibingka, budin, pandesal sa madaling-araw, at pan de coco sa hapon.

Likas na marahil na maging mapagtiwala sa kapwa-- bumili ng palabunutan at hinayaang ang mga musmos sa kanilang lunan ang maglaro nito, kapag naubos na'y ibibigay sa kanya ang kita.



Nakamulatan niya ang pagpasok sa serbisyo publiko ng kanyang ina, isang mananahi na nahalal na kapitana ng kanilang barangay, Anluwage ang kanyang ama. Katamtamang kabuhayan para sa karaniwang pamilya.

'Yun mismong mga kasamahang musmos ang nagtulak sa kanya upang maging kapitan ng kanilang barangay (Uno), sabi nga'y nagpuhunan ng tiwala at tuwa sa kapwa, ibinalik sa kanya ang tiwala at tuwa."



Kuwento niya: Bakit ako’y pinapasok ko lahat ng organisasyon samantalang yung aking barangay ay napakaliit pero bakit hindi ako makapaglingkod sa kanila at maging ehemplo na isan gpolitiko, maging ehemplo ng isang naglilingkod na ang nais ko lang ay mabigyan sila ng pamamarisan kung ano ang isang leader.

“Ano ba ang mga legacy kong project na ginawa dito sa barangay na tumatak sa mamamayan ng barangay uno. Una sa lahat ay yung kalinisan ng barangay uno na sa may tabi ng ilog at ito ay alam naman natin kapag tabi ng ilog ang mga bahay diyan ay inererekta ‘yung dumi nila sa tabing ilog at kaya polluted ang tubig. Nagtayo ako ng limang deposito, na malalaking deposito ito; ‘yung mga dalwa nito ay pondo ng barangay; ‘yung iba naman ay sariling sikap at nang mailagay ito pinakiusapan natin ang mga mamamayan na itapon dun ang kanilang mga palikuran at nagging malinis na ang baybay ng ilog. Nilagyan natin ito ng nasa limang libong mahigit na similya ng tilapia at hanggang ngayon ay pinapakinabangan pa ng ating mamamayan," dagdag ni Villapando.



Nagpabirthday din siya sa mga senior citizens ng Barangay Uno-- walang pinipili, botante man o hindi, may kaya man o mahirap, basta reregaluhan niya. Sa nakitang halimbawa ni Villapando, nakigaya na rin sa kanya ang iba pang barangay ng Lucena.

Anuman ang kanyang marating na posisyon, iginiit niya na "ang serbisyo ay tuloy-tuloy."

Dagdag pa niya: "Pero napakasimple lang ng aking pangarap, napakasimple din ng aking buhay, sa akin bakit ako ang magiging isang ama ng sangguniang panglungsod nais ko lamang iparamdam sa mga tao na merong isang vice mayor Nilo Villapando na tutugon sa kanilang mga pangangailangan tutugon sa kanilang mga hinaing."

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.