by Dong de los Reyes April 1, 2022 Salubong batay sa paksaing “Parini sa Tayabas at Makipista na ginanap sa Bulwagang Puente de Alitao sa SD...
April 1, 2022
LUCENA CITY - Mainit, magiliw na pagsalubong ang tinanggap ni school district supervisor Natividad P. Bayubay mula sa mga tauhan ng school district office, batay sa paksaing “Parini sa Tayabas at Makipista.”
Ginanap ang salubong sa Bulwagang Puente de Alitao sa SDO ng Tayabas City na si OIC-ASDS Antonio P. Faustino ang nagpasimuno’t kinatawan ng may 1085 na nagtuturo at di-nagturong kawani sa distrito.
Ibinahagi naman ni regional director Francis Cesar B. Bringas ang kasanayan sa paghabi ng abaloryo (bead weaving) mula sa rehiyon, binigyang-diin na ang pihit at mabining alog sa mga abaloryo ang lumilikha ng magandang disenyo at iba’t ibang kulay.
Katulad ito ng pagpihit na maisasagawa upang makalikha ng pakikiisa’t mahusay na samahan sa pamumuno ng bagong tagamasid ng mga paaralan sa distrito.
Ipinakilala naman ni OIC-ASDS Gerlie M. Ilagan ang mga tauhan, ang 34 pampublikong paaralan at 12 pribadong paaralan kay SDS Bayubay.
Ginunita ni Ilagan na aliwalas at alinsangan ang panahon nang salubungin din siya noon, kapara ng mga nasa SDO: “Sila ay malambing, masunurin, at mabait.”
Kasunod ang simbolikong paglagak ng susi ng distrito kay Bayubay, na naglahad na ang SDO Tayabas ang kanyang ikalimang assignment at siya rin ang ikalimang SDS ng Division.
Nagpasalamat siya sa pagiging mapagbigay at pakikipagkaibigan ng papaalis na ASDS Ilagan.
Ipinakilala naman ng mga unit heads ang kani-kanilang tauhan kay Bayubay na nagsaad, “magbabago tayo mula sa maliit tungo sa papalaki, at gagawin natin ngayon. Kung ano ka, ano ang mayroon ka, ilabas na at gawin ang dapat.”
Nagpahayag naman ng todong suporta sina Committee Chairman on Education Farley L. Abrigo at punong lungsod Ernida Agpi-Reynoso sa mga programa, proyekto, at gawain ng SDO.
Dumalo rin sa pagsalubong sina Administrative Officer V, Conrado C. Gabarda, Assistant Regional Director Cherrylou D. Repia, SDS Hermogenes Panganiban at ASDS Phillip Gallendez ng SDO Lucena City, Gener P. delos Reyes, na Pangulo at kinatawan ng mga puno ng mga paaralan at Sister Felissa V. Lingatong, MCST, kinatawan at Pangulo ng Tayabas Private School Association.
No comments