by Nimfa Estrellado June 18, 2022 Nakipagpulong si Mayor Eliseo Ruzol kay Philippine motocross icon, Coach Jovie Saulog upang talakayin ang ...
June 18, 2022
GENERAL NAKAR, Quezon — Pinauunlad ng Munisipyo ng General Nakar ang sarili bilang pangunahing sentro ng Green Sports Tourism sa lalawigan ng Quezon, sa hangaring palakasin ang sektor ng turismo nito sa gitna ng pandemya.
Noong June 1, nakipagpulong si Mayor Eliseo Ruzol kay Philippine motocross icon, Coach Jovie Saulog upang talakayin ang plano ng pamahalaang munisipyo na i-market ang kanilang bayan bilang go-to venue para sa mga motocross aficionados, simula sa kanilang nakatakdang Motocross event.
Sinabi ni Ruzol na nais nilang palakasin ang turismo sa kanilang munisipyo upang mabigyan ng karagdagang kabuhayan ang mga residente, at palakasin ang marka nito sa Green Sports Tourism.
“Bahagi pa rin ito ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na higit pang mapasigla ang turismo sa ating bayan na makapagbibigay ng dagdag na kabuhayan sa ating mga kababayan, at magpapatatag ng pagkilala sa General Nakar bilang sentro ng Green Sports Tourism sa buong lalawigan,” sabi ang post sa social media mula sa Municipal Information Office.
Bukod sa motocross, nagho-host din ang munisipyo ng mga liga ng basketball at volleyball para hikayatin ang mga kabataan na makisali sa palakasan at mapanatili ang aktibong pamumuhay. (na may mga ulat mula sa General Nakar LGU)
No comments