Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bahay Kubo Library: Edukasyong Abot-Kamay ng Batang Elbi

MGLB PRESS RELEASE (AFG) NO. 2022-03 By PIO Los Baños August 28, 2022 Bahay Kubo Library Edukasyon ang susi upang maging abot-kamay ang pang...

MGLB PRESS RELEASE (AFG) NO. 2022-03
By PIO Los Baños
August 28, 2022


Bahay Kubo Library: Edukasyong Abot-Kamay ng Batang Elbi
Bahay Kubo Library





Edukasyon ang susi upang maging abot-kamay ang pangarap at magandang kinabukasan ng bawat kabataang Pilipino. Madalas man nating naririnig ang katagang ito, hindi maipagkakaila ang katotohanang hatid nito para sa maraming tao, lalong-lalo na sa kabataan… sa ating mga Batang Elbi.

At dito, sinimulan na ng administrasyon ni Mayor Anthony “Ton” F. Genuino ang pagpapalakas ng literacy program sa bayan ng Los Baños. Layunin nitong itaas ang antas ng edukasyon ng ating mga kababayan, lalo na sa mga mag-aaral sa ating remote areas, tulad ng Barangay Bagong Silang.



Pangarap na natupad

Bago pa man muling makaupo bilang Punumbayan, bahagi na talaga ng mga plano ni Mayor Ton ang makapaglagay ng Pinoy-style Aklatan sa mga liblib na lugar, upang mabigyan sila ng access sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat.

“Naisipan nating magbuo ng isang open-air o outdoor type na lugar, kung saan pwedeng magpunta ang mga bata nang ‘safe’ at hindi nag-aalala ang magulang na mahawaan ng COVID-19 ang mga anak nila. At the same time, gusto nating bigyang-importansya ang sariling atin dahil ang ‘bahay kubo’ ay native sa ating mga Pinoy. Gusto nating maging feel-at-home ang mga bata at magulang tuwing sila ay nagpupunta sa library - dito nabuhay ang konsepto ng Bahay Kubo Library," paliwanag ng Alkalde.



Dagdag pa ni Mayor Ton, “Una nating inilagay ito sa Brgy. Bagong Silang, kung saan mahina o halos walang internet connection – na kinakailangan para sa patuloy na pag-aaral noong panahon ng pandemya. Welcome ito sa lahat ng gustong matutong magbasa at magsulat at sumali sa mga monthly activities."

Pagbubukas ng first Bahay Kubo Library



Ang Bahay Kubo Library sa Brgy. Bagong Silang ang kauna-unahang proyekto ng Alkalde, kabalikat ang Learn Love Project, isang outreach program para sa mga kabataang nangangailangan. Itinaguyod ito ni Gng. Leilanie Da Silva sa tulong ng mga boluntaryong mamamayan ng barangay.

Binuksan sa publiko ang Bahay Kubo Library, kasabay ng kaarawan ni Mayor Ton, noong Nobyembre 27 ng nakaraang taon. Nagkaroon sila ng selebrasyon kasama ang mga mamamayan ng Brgy. Bagong Silang; nagsalu-salo sila sa boodle fight at nagkaroon din ng munting gift giving ng school supplies sa mga bata.

Ang ideya ng proyektong ito ay nabuo ni Mayor Ton dahil, aniya, simula nang nagkaroon ng pandemya at nagkaroon ng biglaang paglipat mula sa face-to-face class patungo sa blended learning, naging suliranin na ng marami mga Ka-Elbi ang kakulangan sa proper education at pagtutok sa inaaral ng mga bata.

Ito ang sitwasyon na binigyang-solusyon ng Bahay Kubo Library para sa mga mamamayan – pangalawang tahanan, lagayan ng mga materials at supplies sa pag-aaral, at lugar para sa pagtuturo.

Malaking tulong sa mga mamamayan

Dahil malayo sa city proper, mahirap rin ang access sa internet sa kanilang lugar kaya malaking tulong ang Bahay Kubo Library para sa mga ginagawang research ng mga batang mag-aaral na sumasagot ng modular lesson.

Ayon kay Leslyn M. Sullegue, isang incoming Grade 6 student na residente ng barangay, malaki ang naitulong sa kanya ng proyekto. “Nalilibang po kami dito [na] nagbabasa, nagsusulat. At dito rin po kami gumagawa ng module sa tulong ng mga volunteers,” kwento niya.

May mga in-house Teaching Assistants ding naka-assign dito para tumulong at magturo sa kanila

“Nagpapasalamat po ako dahil isa po ako sa naging bahagi nito. Malaking tulong po ito para sa amin at lalo’t higit sa mga kabataan,” pahayag ni Melvie Quiatchon, isa sa mga volunteer tutors sa Bahay Kubo Library.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang isa sa mga magulang na si Laila Joy Javier, “Dahil po dito ay nadaragdagan ang kaalaman ng aking anak at mas natututukan po niyang magbasa kaysa po mag-gadget, lalo na po sa tuwing monthly activity nila with Ma’am Lanie and Ma’am Racquel Genuino. Mas exciting ang kanilang pag-aaral.”

Umpisa pa lamang ito, at kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Bagong Los Baños Administration kung aling barangay ang susunod na pagtatayuan ng isa na namang Bahay Kubo Library.

---

Bukas ang Bahay Kubo Library para magamit ng mga bata, mula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Mayroon ring mga monthly workshops at activities na isinasagawa rito para sa mga bata, kasama ang kanilang mga magulang.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.