by PIAGOVPH4A August 2, 2022 Congresswoman Charisse Anne “Cha” Hernandez-Alcantara CALAMBA, Laguna - Patunay ang nararanasang COVID-19 pand...
August 2, 2022
Congresswoman Charisse Anne “Cha” Hernandez-Alcantara |
CALAMBA, Laguna - Patunay ang nararanasang COVID-19 pandemic na kinakailangang bigyang prayoridad ng pamahalaan ang pagpapalakas ng healthcare system sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kabilang na dito ang paglalagay ng mga karagdagang pasilidad at pagpapataas ng kapasidad ng mga pampublikong ospital upang matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga mamamayan.
Matagal nang panawagan ng mga residente sa Lungsod ng Calamba ang pagkakaroon ng sariling ospital. Kaya naman bilang tugon, isinusulong ngayon ng bagong halal na si Congresswoman Charisse Anne “Cha” Hernandez-Alcantara ang paglalagay ng isang Public General Hospital sa lungsod. Kabilang ito sa 11 panukalang batas na inihain ng bagong kongresista sa 19th Congress kamakailan.
Batid ng bagong mambabatas na ang pagkakaroon ng pampublikong ospital sa lungsod ay magbibigay ng libre at de-kalidad na serbisyong medikal sa mga Calambeño gayundin sa mga kalapit na bayan at lungsod nito. Mapapaunlad rin nito ang antas ng kalusugan ng mga mamamayan dahil mabibigyan sila ng access sa mga serbisyong medikal nang hindi na kinakailangan pang pumunta sa mga karatig na lugar o di kaya ay gumastos ng napakalaking halaga sa mga pribadong ospital.
“Sa mahabang panahon, ang Calamba City ay walang sariling pampublikong pangkalahatang ospital na magbibigay ng de-kalidad na pangangalagang medikal at surgical hindi lamang sa mga residente ng Calamba City kundi maging sa mga kalapit na lungsod nito,” pahayag ni Cha Hernandez.
Nakapaloob sa House Bill No. 2360 na inihain ng kongresista ang pagbibigay ng libreng in-patient at out-patient na mga serbisyong medikal sa mas maraming residente ng lungsod partikular sa mga pasyenteng may matinding sakit at karamdaman. Sa panukalang batas, ang inisyal na pondo na gagamitin sa proyekto gayundin ang pagbuo ng Hospital Development Plan ay pangangasiwaan ng Department of Health (DOH).
Ang lungsod ng Calamba ang siyang may pinakamalaking bilang ng populasyon sa buong lalawigan ng Laguna. Batay sa isinagawang census ng Philippine Statistics Authority noong 2020, aabot sa 539,671 ang kabuuang bilang ng mga residenteng naninirahan dito. Para sa ganito kalaking populasyon, mahalaga na magkaroon ng maayos na ospital at may sapat na kapasidad upang tugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga residente.
Bagama’t ang lungsod ay tahanan ng Jose P. Rizal Memorial District Hospital na pinangangasiwaan ng pamahalaang panlalawigan, limitado ang kapasidad nito na tumanggap ng maraming pasyente.
Marami mang pribadong ospital sa lungsod ay batid rin ang halaga na kakailanganin ng mga residente upang makakuha ng mga serbisyong medikal. Kaya naman, sakaling maisabatas ang panukalang ito ay malaking kaginhawaan ang maidudulot nito sa mga Calambeño dahil sa abot-kamay na mga medikal na serbisyo.
Bukod dito, narito ang mga panukalang batas na inihain ni Congresswoman Cha Hernandez.
HB 2361: EXPANDED MANDATORY BASIC IMMUNIZATION PROGRAM ACT
Kabilang din sa mga isinusulong ni Hernandez ang pag-amiyenda sa Republic Act No. 10152 o ang Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011. Nais ng kongresista na palawigin ang sakop ng basic immunization program na nakapaloob sa nasabing batas at magtakda ng isang sistema sa pagtukoy ng iba pang uri ng vaccine-preventable diseases para sa mga batang edad hanggang 5.
HB NO. 2362: AN ACT DEFINING THE CRIME OF CHILD PORNOGRAPHY AND ONLINE SEXUAL EXPLOITATION
Sa panahong lantaran at malawak na ang access ng mga bata sa internet, mahalaga na maprotektahan ang mga ito sa mga panganib na dulot ng mga sexual predator at pedophile na gumagawa ng sekswal na krimen. Bilang isang magulang, inihain ni Cha Hernandez ang panukalang batas upang magkaroon ng mas malawak na saklaw ng proteksyon ang mga bata sa paggamit ng internet.
HB NO. 2364: AN ACT PROVIDING FOR BREASTMILK COLLECTION AND STORAGE FACILITIES AND REGIONAL MILK BANKS
Layon ng batas na ito na maggtatag ng mga milk banks sa bawat rehiyon na magbibigay ng ligtas na gatas ng ina sa mga sanggol sa mga panahong hindi inaasahan tulad ng sakuna, pagkakasakit ng ina, o ipinanganak ang sanggol nang wala sa panahon.
HB NO. 2365: YOUNG AGRIPRENEURS ACT
Layon ng panukalang batas na ito na magkaroon ng agricultural hubs sa bawat probinsiya at lungsod upang malinang pa ang kaalaman at bahagi ng mga kabataan sa sektor ng agrikultura at entrepreneurship.
HB NO. 2366: PERMANENT VALIDITY OF THE CERTIFICATES OF LIVE BIRTH, DEATH, AND MARRIAGE ACT
Target ng panukalang batas na ito na magbigay ng permanenteng validity sa mga sertipiko na iniisyu ng Philippine Statistics Authority at local Civil Registry Office gaya ng birth certificate, death certificate, at marriage certicate.
HB NO. 2367: FREEDOM OF INFORMATION ACT OF 2022
Batid ni Cha Hernandez ang karapatan ng mga mamamayan sa mga impormasyon mula sa pamahalaan. Kaya namanm inihain niya ang panukalang batas na ito na layong maglagay ng isang simpleng pamamaraan upang magkaroon ng access ang mga mamamayan sa mga pampublikong impormasyon.
HB NO. 2368: F. MERCADO ST. AND JP RIZAL ST. AS HISTORICAL AND CULTURAL ZONE
Nais ni Cha Hernadez na mapanatili ang kultural na kahalagahan ng mga lansangang ito na patungo sa Rizal Shrine at St. John the Baptist Church at naging saksi sa maraming makasaysayang pangyayari mula pa noong pananakop ng Kastila. Ayon sa kongresista, kumakatawan at sumisimbolo ang mga ito sa mayamang kultura at kasaysayan ng lungsod ng Calamba.
HB NO. 2524: TEENAGE PREGNANCY CONTROL ACT OF 2022
Inihain ni Cha Hernandez ang panukalang batas na ito upang matugunan ang isyu ng maagang pagbubuntis o teenage pregnancy at para kilalanin ng estado ang mahalagang papel ng kabataan sa pagprotekta sa kanilang pisikal, moral, espirituwal, at panlipunang kagalingan.
HB NO. 2363: PUP-CALAMBA CAMPUS ACT
Layon ng batas na ito na magtatag ng campus ng Polytechnic University of the Philippines sa lungsod ng Calamba. Sa kakulangan ng mga pampublikong tertiary schools sa Calamba City, ang mga estudyante ay napipilitang humingi ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa mga kalapit na lugar. Ang iba namang walang kakayahang tustusan ang kanilang pag-aaral ay mas pinipili na lamang na hindi ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kolehiyo. Kaya inihain ni Cha Hernandez ang batas na ito upang bigyan ang mga mahihirap na estudyante sa lungsod ng mahusay na access at de-kalidad na edukasyon sa kolehiyo.
HB NO. 2525: CALAMBA CITY TESDA TRAINING AND ASSESSMENT CENTER ACT
Layon ng batas na ito na magtatag ng mga karagdagang TESDA Training at Assessment Center sa mga upland barangays sa lungsod ng Calamba upang mabigyan ng pantay na access sa vocational courses ang mga residenteng naninirahan sa mga malalayong lugar.
Pondo ng Distrito, Ipapadama sa Calambeño
Bagama’t marami pang proseso ang pagdadaanan ng mga panukalang batas na ito, nangako si Congresswoman Cha Hernandez na patuloy itong magsusulong ng mga batas para sa mga Calambeño.
“Baguhan mang kongresista, sisikapin po nating magsulong ng mga makabuluhang batas na direktang makatutulong sa sambayanang Calambeño at mga Pilipino,” ani Hernandez.
Inihayag din nito na gagamitin nito ang pondong nakalaan sa kanilang tanggapan para sa mga programa at proyekto sa lungsod ng Calamba. — FSC, PIA4A

No comments