Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Jumarang, isa sa “Best President” ng Rotary

By Lolitz Estrellado December 19, 2022 MARITES BULANADI JUMARANG LUNSOD NG LIPA - Ang multi awarded na si MARITES BULANADI JUMARANG, dating...

By Lolitz Estrellado
December 19, 2022



Jumarang, isa sa “Best President” ng Rotary
MARITES BULANADI JUMARANG








LUNSOD NG LIPA - Ang multi awarded na si MARITES BULANADI JUMARANG, dating pangulo (past president) ng Rotary Club of Mataas nakahoy, ay isa sa “Best Presidents the Rotary Club has ever had,” na ipinagmamalaki ng kanyang mga kasamahan sa naturang organisasyon.

Ito ay napag-alaman mula kay Assistant Governor (AG) Marissa Gonzales ng Rotary Club of Metro Tanauan Sto. Tomas, sa isang ekslusibong panayam dito.



“Timely for the celebration of Womens Month, dapat nating pasalamatan, parangalan at kilalanin ang mga tulong at serbisyo ni RC president Tess Jumarang, na nag-aambag sa development and growth of the community, at sa pag-angat po ng kalagayan ng ating mahihirap na mga kababayan,” pahayag ni AG Gonzales.

Binigyang diin pa ni AG Gonzales na sa kabila ng kaabalahan ni Jumarang sa kanyang negosyo at sa paglilingkod sa kapuwa, isa itong mabuting ina na napalaki nang maayos ang mga anak, mabubuting tao, maka-Diyos at fine mannered.



Isang magandang huwaran ng women improvement si Jumarang, nakatutok sa negosyo, sa pamilya at sa koomunidad, subalit napapanatili pa rin ang maayos na pangangalaga sa sarili, sa pisikal, emosyunal at ispiritwal na bahagi ng kanyang pagkatao. Bilang pangulo ng RC of mataas nakahoy may ilang taon na ang nakakalipas si Jumarang ay nakatutok at patuloy na nagsasagawa ng ibat ibang adbokasiya at mga programa na nakakatulong sa maraming kapus-palad at nangangailangan.

Ginawaran ng parangal ang RC of Mataas nakahoy at si Jumarang bilang “Best in Polio Program” sa Notary District 3820. Sa isang ekslusibong panayam kay Jumarang noong ibinahagi nito ang ilan sa kaniyang priority programs, tulad ng Special Education Class Program sa Paaralang Sentral ng Mataas nakahoy. Project Save Lives from Polio, pamimigay ng salamin sa mata sa Lumang Lipa, pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral na nagmula sa mahihirap na pamilya, pagkakaloob ng libreng training o mga pagsasanay sa mga gawaing mapagka-kakitaan at marami pang iba.



Ayon kay Jumarang, sadyang hinahanap nila at pinupuntahan ang mga kababayang mahihirap at nangangailangan ng tulong upang maibahagi nila ang kung ano mang mayroon sila dahil bukod sa adbokasiya talaga ito ng Rotary Club, ay personal din niyang hangarin ang makatulong sa kanyang mga kababayan. Si Jumarang, na magsisilbing president ng Rotary Club of Mataas nakahoy para sa taong 2016-2017, ay isang magaling na Chef, may-ari at general manager ng MBJ Canteen & Catering. Si Jumarang, Tess para sa mga kaibigan, ay kabilang sa tinaguriang “beautiful woman inside and out.”

Isa siyang beauty queen (Gng. Cuenca may ilang taon na ang nakaraan) at maganda pa rin hanggang ngayon, at may mabuting kalooban na laging nakalaang tumulong sa kapuwa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.