By Nimfa Estrellado December 19, 2022 BATANGAS CITY - Matagumpay na isinagawa ng Philippine Statistics Authority IV-A ang Philsys Informati...
December 19, 2022
BATANGAS CITY - Matagumpay na isinagawa ng Philippine Statistics Authority IV-A ang Philsys Information and Education Campaign (IEC) road show sa Jet Hotel, Lipa City noong ika-11 ng Nobyembre.
Sa pambungad ni PSA IVA Regional Director Charito Armonia, sinabi nito na ito ang ikatlong beses na isinagawa nila ang ganitong roadshow kung saan nauna na lalawigan ng Laguna sinundan ng Cavite at ngayon ay ang lalawigan ng Batangas.
“Mahalaga ang roadshow na ito sapagkat ito ang magbibigay linaw sa lahat ng mga katanungan at usapin ukol sa Philsys.
Layon ng aktibidad na ito na mabigyan ng tama at sapat na kaalaman ang mga government offices at maging ang mga financial institutions ukol sa gamit at kapakinabangan ng Philippine Identification System sa identity verification.
“Isang paraan din ito upang ipakilala ang PSA API Enabled Authentication Services at ipaliwanag ang proseso nito,” ani Armonia.
Nagsilbing panauhing tagapagsalita si Bb. Rianne Aybil Penaredond, Project Development Officer Philsys Advocacy Unit kung saan tinalakay nito ang Salient Features ng RA 11055 kabilang ang Sec. 11 on Limitations Provision; API-Enabled Authentication Services att pamamaraan kung paano ang Philsys check.
No comments