By Sentinel Times Sponsored Content Gerrimie Non host at may ari ng ang progmang Kuningkuning De Etchus. GUMACA, Quezon - Kuningkuning D...
Sponsored Content
Gerrimie Non host at may ari ng ang progmang Kuningkuning De Etchus. |
GUMACA, Quezon - Kuningkuning De Etchus? Ano yan, nakakatawa naman, saan mo nakuha yan? Ilan sa mga salitang maririnig mo tungkol sa programa ni Gerrimie Non ng Gumaca, Quezon noong nagsisimula pa lang siya na hindi natin aakalaing tatlong taon na pala sa ngayon.
Ang Kuningkuning De Etchus ay nagsimula noong nagkaroon ng pandemya taong 2020, dahilan para maisip ni Gerrimie Ang progmang Kuningkuning De Etchus praktis pa more concert at home with Igmiethought. Ang trying hard singer ay nagsimula ng halos walang manonood dahil habang naka-FB live stream siya ay panay lang ang kanta. Hanggang sa maisipan nya lagyan ng konsepto ang kanyang ginagawa sa pamamagitan ng pagbati o shout out ang mga manood. Nang tumagal ay dumami na rin siyang manood na halos gabi gabi ay sinusubaybayan ng ating mga kababayan at maging mga OFWs ay sadyang siya ay kinagiliwan.
Dumami ang naaliw at sumubaybay sa programa lalo na nung may mga papremyo. Dumagsa din ang mga sponsors at supporters ng programa.
Sa unang taon ng programa ay nakapokus ito sa pagbbgay kasiyahan sa mga manood sa pamamagitan ng pagbbgay ng nga papremyo.
Nag umpisa na din na magpahayag ng suporta ang mga sikat na mga Mang awit tulad ni Pop Diva Kuh Ledesma, Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Jaya, Stellar Diva Bituin Escalante, Legendary Singer na si Imelda Papin, Marco Sison. Randy Santiago, Ima Castro, Renz Verano, Richard Reynoso, Rannie Raymundo, Chad Borja, Gerald Santos, Alynna, Gabriella, Jos Garcia, Odette Quesada, Marianne Osabel, Ladine Roxas, Lindsay Custodio at marami pang iba. Sila Ang mga nagpaigting ng kagustuhan ni Kuningkuning na makapagbigay ng kasiyahan.
Sa ikalawang taon naisipan ng may likha ng programa na imbes na magpapremyo ay tumulong na lang sa mga taong may karamdaman, sa mga kabataang mag-aaral na higit at sadyang nangangailangan. Kaya naman nagkaroon sila ng mga inisyatibo tulad ng pagkakaroon ng segment na "Kanta ko,Tulong nyo" na kung saan Ilan din sa mga kababayan natin Ang matulungan ng programa sa pamamagitan ng pag kanta ng mga request ay direktang pinapadalahan naman ng manood gng G-cash account ng benepisyaryo. Tinutulungan din nila na makipag ugnayan sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno at sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Gumaca para makahingi ng tulong pinansyal at serbisyo.
Dahil sa pagiging aktibo ng samahan sa pangunguna ng noon ay pangulo ng Kuningkuning De Etchus Supporters na si Mam Mayla Villamarzo ay nakapagbigay tayo ng mga aklat sa mga kabataan at humigit sa 600 na batang mag aaral sa iba't ibang barangay sa bayan ng Gumaca. Katunayan, nakapagbahagi din tayo ng mga manipulative learning materials sa mga mag aaral ng Special Education Program sa Gumaca East Central School sa tulong ng mga tagasuporta at nagmamahal sa programa
Ngunit kamakailan ay pumanaw na ang pangulo ng samahan kung Kaya't medyo nanamlay ang mga miyembro . Pero dahil ang nais ay ipagpatuloy ang magandang nasimulan ay ginagawa natin itong posible.
Nababawasan man ang manood natin dahil sa wala ng papremyo pero nanatili pa din ang tunay na layunin ng programa at samahan ng Kuningkuning De Etchus na ang makapagbahagi ng tulong at magsilbing inspirasyon sa iba. Maaring hindi kagalingan Ang host at singer na si Gerrimie pero ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa ay nanatiling kanyang tuntungan para mas makapagbigay pa ng ating programa ng tulong at kasiyahan sa mamamayan.
Pruweba nito ang pagkakaroon ng mga pagkilala at parangal sa programa at sa host nito sa Metro Excellence Leadership Awards Hinirang ng Southern Tagalog at sa buong Pilipinas na International Golden Awards Philippines Bilang "Most Remarkable Advocate for Community Empowerment of the Year 2023".
Ang lahat ng gawain at aktibidades ng programa ay hindi magiging posible kung hindi sa pagkakaiisa, pagmamalasakit, pagbibigay at pagtutulungan. Ang programang Kuningkuning De Etchus ay naglalayong makatulong sa mga sadya at higit na nangangailangan.
Matagumpay na naisagawa ang Kuningkuning De Etchus anniversary presentation na ginanap noong ika-13 ng Hulyo, 2023 sa Celso's Inn Lounge and Restaurant, Barangay Rosario, Gumaca, Quezon.
Dinaluhan ng mga miyembro nito, mga tagasuporta at panauhin. Dumating din para magtanghal mga ang mga talentandong mang-aawit mula sa Bayan ng Gumaca na sina Liezel Rongalerios, RIca Narvaez, Grazelle Sartin, Sharlene Recodig, Robert Agapito, Nelson Sora, Marie Angelie Tan at Mary Jane Eugenio, mula sa Atimonan, Quezon na sina Larry Alarma at Arturo Dacles Jr. at ang espesyal na panauhin na si Bryan Joseph Agapito mula sa Macalelon, Quezon at mula naman sa Calauag, Quezon na si Lilia Gutierrez Aban, ang 2nd runner up ng Reina ng Tahanan sa It's Showtime 2022.
Sa pagpasok ng ika-apat na taon ng Kuningkuning de Etchus sabay sabay nating ipagpatuloy ang pagbibigay inspirasyon at kasiyahan sa ating mga manood Palagiang manood ng Kuningkuning De Etchus ika-7 hanggang ika-10 ng gabi-gabi.
No comments