By CIO San Pablo Mayor Vicente Amante (Photo from CIO San Pablo) SAN PABLO, Laguna - Ilang malalaking programa at proyekto ang iniulat ...
Mayor Vicente Amante (Photo from CIO San Pablo) |
SAN PABLO, Laguna - Ilang malalaking programa at proyekto ang iniulat ni Mayor Vicente Amante sa mga mamamayan ng Lunsod ng San Pablo sa kanyang Ulat sa Bayan 2023 kaninang umaga na ginanap sa harapan ng Old Capitol Building.
Unang iniulat ng punonglunsod ang karagdagang sweldo sa Enero 2024 para sa lahat ng mga job order/casual employees ng Pamahalaang Lunsod. Paglalaan ng lunsod ng 10 has. lote para sa pagpapatayo ng San Pablo City Sports Complex.
Konstruksyon ng farm-to-market-road sa mga Barangays ng Sta. Isabel, Sto. Angel at Sta. Ana. Pagtatayo ng ilang housing units para sa programang “Pabahay sa mga Mahihirap” na isang programa ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon sa punonglunsod ito ay isang “rent to own” housing project kung saan ang mga beneficiaries ay magbabayad lamang ng P2,000.00 hulog kada buwan.
Pinasalamatan naman niya si Cong. Amben S. Amante na sa mga pinasimulang proyekto na San Pablo City Convention Center, Convention Center Hotel at SPC General Hospital Extension, ay patuloy namang pinapaunlad ng punonglunsod para sa kapakinabangan ng lahat ng mamamayan ng lunsod.
Patuloy ding isinusulong ng punonglunsod ang iba pang programa para sa pagpapa-unlad ng mga barangay high schools, agricultural programs, infrastructures, beautification & sanitation at iba pa.
Malugod ring ibinalita ng punonglunsod para naman sa patuloy na pagpapa-unlad ng ekonomiya ay nakipag-ugnayan na siya sa Gaisano Company para sa pagtatayo ng negosyo sa lunsod.
Nakiisa sa Ulat sa Bayan sina Cong. Loreto S. Amante; City Administrator Larry S. Amante; Mayora Gem Castillo at mga anak na si Audrey, Cassey at Vicvic; Bokal Yancy Amante; Executive Asst. Kristin Ann Picazo; Vice-Mayor Justin G. Colago at lahat ng Konsehal ng Sangguniang Panglunsod; DILG-CLGOO Maria Alma Barrientos; PLtCol. Wilhelmino Saldivar, Jr, Chief of Police at SPC-PNP Personnel; BFP at BJMP chiefs; mga pinuno at kawani ng pamahalaang lunsod; pamunuan ng PLSP; punongbarangay; pinuno ng iba’t-ibang tanggapang nasyonal at mga NGO’s.
No comments