Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Malvar, 1st class Municipality, No. 1 sa Batangas Province

By Lolitz Estrellado & Mar Olete Malvar Mayor Cristeta Cuevas Reyes (Photo from her FB) MALVAR, Batangas - Ang bayan ng Malvar ay i...

By Lolitz Estrellado & Mar Olete



Malvar, 1st class Municipality, No. 1 sa Batangas Province
Malvar Mayor Cristeta Cuevas Reyes (Photo from her FB)










MALVAR, Batangas - Ang bayan ng Malvar ay idineklara nang isang FIRST CLASS MUNICIPALITY at Number One sa buong lalawigan ng Batangas.

Kasabay nito, ang Malvar ay pumasok na bilang pang - 138 bayan sa buong bansa na mayroong kabuuang bilang na 1, 488 bayan.



Samakatuwid, ang Malvar ay top 138th sa buong Pilipinas at na ungusan nito ang 1, 350 pang mga bayan.

Nagbunyi ang mga taga Malvar sa tinamong tagumpay ng kanilang mahal na bayan at nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa kanilang butihing alkalde, Honorable Mayor CRISTETA CUEVAS-REYES.



Ayon sa kanila, si Mayor Teta ay may kakayahan, may talino, matapat, may tunay na malasakit sa tao at higit sa lahat, maka-Diyos, kaya naman ito ay pinagpapala at nagtatagumpay sa mga adhikain bilang isang public servant.

Sa isang on the spot interview sa butihing lady mayor, masayang ibinahagi nito, “Puyat, pawis at pagod ang naging puhunan sa tagumpay na ito, na sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok, akusasyon at usapin sa Ombudsman, na aking naging stepping stone upang tumayo, maging matatag at lumaban. Sa tulong ng ating mga kasama sa munisipyo, sa mga taong bayan na naniniwala sa akin, nakamit natin ang tagumpay para sa bayan at maging number one pa sa buong Batangas.”

Ayon naman sa mismong mga kasama niya sa LGU ng Malvar, nasa puso na ni Mayor Teta noon pa man ang kagustuhang maging isang lingkod ng bayan.

Hangad niya na makatulong lalo na sa mga walang kakayahan, sa may sakit, mga senior citizens at mga bata.

Kaya sa tuwina ay mga kahon-kahong gamot at vitamins ang nasa kanyang tanggapan na nakalaan para sa mga nakatira sa laylayan at sa may riles na ayon nga mismo kay Mayor Teta ay mas nangangailangan ng atensyong medikal.

Si Mayor Teta ay isang matagumpay na negosyante at walang backround sa pulitika, subalit pinasok niya ang pagiging punong bayan dahil sa tiwalang ibinigay ng mga taga Malvar.

Mula sa pagiging negosyante, at butihing ina, nakuha niya ang puso ng kanyang mga kababayan na sa ngayon ay umabot na sa 72, 000 ang bilang.

Sa ilalim ng liderato at pamamahala ni Mayor Teta, nakita ang pag-unlad ng Malvar.

Pangunahin sa kanyang executive agenda na patuloy na isinusulong ay ang pagpapatatag ng kabuhayan ng mga taga Malvar, pagkakaloob ng mataas ang kalidad na edukasyon at libreng pag-aaral, kalinisan at kaayusan ng buong bayan, pagpapanatili ng peace and order, pangangalaga sa kalusugan at pagpapaunlad ng industriya ng turismo.

Patunay ang ipinagawang diversion road na nagpabilis ng byahe patungong Laguna.

Kaya naman, kahit ang malalaki at mauunlad na kumpanya ay nananatili sa Malvar tulad ng Lima Park, Lima Park Hotel, Robinson, Hitachi, EPSON, Littlefuse, Mitsuba, at Sohbi Kohgel Phils, at ang dinarayong “OUTLET” na may bahaging nasa Lipa City, at kilala sa buong rehiyon ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Ayon sa isang kapitan ng barangay sa Malvar, si Mayor Teta ay babae nga, subalit lalaki siyang kausap, na ang ibig sabihin ay may isang salita, maasahan at ginagawa ang sinasabi para sa kabutihan ng bayan at mga mamamayan.

“She is Beautiful, inside and out. Suportado namin siya always and ever, kahit sa anong laban, “Sabi naman ng isang empleyado sa munisipyo.”

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.